WALANG namonitor na disturbance ang COMELEC sa kanilang systems matapos maaresto ang isang Chinese National na nahulihan ng umano’y spy equipment malapit sa punong tanggapan ng poll body sa intramuros, Maynila.
Tiniyak ni COMELEC Chairman George Garcia sa sambayanan na walang election data sa kanilang main office, kaya pasensya na lang sa mga nagtatangka.
Sa surveillance video ng National Bureau of Investigation – National Capital Region (NBI-NCR), dalawang Chinese na lalaki ang nakitang nag-aayos ng equipment na pinaniniwalaang ginagamit sa pang-e-espiya, nitong nakaraang weekend.
Gayunman, isa lamang ang naaresto ng mga awtoridad habang ang isa ay nakatakas.
Samantala, inamin ni Garcia na milyon-milyong beses nang tinangkang i-hack ang online precinct finder ng COMELEC, na binuksan sa publiko noong April 23 para sa May 2025 midterm elections.