Nagpatawag ng emergency meeting si Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy para sa agarang aksyon laban sa dengue.
Pinulong ng alkalde ang lahat ng 157 na kapitan ng mga barangay sa Calbayog City upang agad matugunan ang suliranin sa pagdami ng kaso ng dengue.
Illegal gun dealer, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Calbayog City
Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte
Mahigit 142,000 na disadvantaged workers, natulungan ng TUPAD sa Eastern Visayas noong 2025
Eastern Visayas, nakapagtala ng 0.7% Inflation noong 2025; pinakamababa sa loob ng 30 taon
Sa naturang pulong inatasan ni Mayor Mon ang mga opisyal ng barangay na ilaan ang 30% ng kanilang pondo sa pagbili ng sprayers at iba pang gamit para sa dengue control.
Maglalaan naman ang city government ng chemical na gagamitin sa sprayers at ang Calbayog City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang naatasang magtiyak na tama ang maisasagawang spraying operations.
Sa ginanap na pulong nagbigay din si CDRRMO Head Dr. Sandro Daguman,
ng dengue awareness information.
Magsasagawa din ang CDRRMO fogging at spraying operations sa iba’t ibang lugar sa Calbayog City.
Para masolusyonan ang sitwasyon, inatasan din ng aklakde ang lahat ng mga barangay na magsagawa ng dalawang beses na clean-up drives kada linggo.
Dumalo din sa pulong sina DILG CLGOO Gretchen Mae Corrales at mga City Councilors.
