PINATATANGGALAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng otoridad si Mayor Alice Guo sa police force ng Bamban, Tarlac.
Ginawa ni DILG Secretary Benhur Abalos ang anunsyo sa harap ng akusasyon laban kay Guo, hinggil sa pagkakaugnay nito sa iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa nasasakupan nitong bayan.
Patuloy na pag-absent ni Sen. Bato Dela Rosa sa senado, pwedeng kwestyunin ng publiko
Pangulong Marcos, walang kinalaman sa suspensyon kay Cong. Kiko Barzaga
9 na DPWH officials, naghain ng Not Guilty Plea sa kasong Malversation kaugnay ng flood control scandal
Palasyo, pinamamadali sa kongreso ang pagpasa sa 2026 Budget
Sa ilalim rules ng National Police Commission, ang mga gobernador at alkalde ay deputized bilang NAPOLCOM Representatives, at maari itong bawiin o suspindihin ng komisyon.
Si Abalos, bilang kalihim ng DILG, ay Ex-Officio Chairman ng NAPOLCOM.
Ibinaba rin ng ahensya ang kautusan makaraang hindi dumalo ang mayora sa flag-raising ceremony sa munisipyo ng Bamban, kahapon.
Nagtipon-tipon naman ang municipal employees at supporters ni Guo malapit sa gusali bago magsimula ang seremonya upang ipakita ang kanilang suporta sa kontrobersyal na alkalde.
