MANANATILING stable o maaring bumaba pa ang presyo ng sibuyas bunsod ng inaasahang panibagong record harvest sa naturang produkto ngayong second quarter.
Sa pagtaya ng Department of Agriculture, posibleng ma-doble ang onion production ngayong ikalawang quarter ng taon kumpara sa 174,288.98 metric tons noong 2023.
Ang projected output ay mas mataas ng 89,384.99 metric tons kumpara sa 84,903.99 metric tons na naitala simula Abril hanggang Hunyo ng nakaraang taon.
Batay sa pagtaya, nasa 86 percent o halos 150,000 metric tons ay red onions; 10,027 metric tons ay white onions habang 209 metric tons ay shallots o lasuna.