UMABOT na sa 160 million pesos ang nakolektang buwis ng maynila mula sa mga contractor ng iba’t ibang Flood Control Projects sa lungsod.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, nasa tatlundaang Flood Control Projects ang natuklasan na mayroong utang na buwis.
ALSO READ:
Wala rin aniya sa mga ito ang nakipag-ugnayan sa City Government o nakapag-secure ng mga kinakailangang permit.
Sinabi ng alkalde na ilalaan niya ang mga bagong nakolektang buwis na 58 million pesos sa pamantasan ng lungsod ng Maynila at 25 million pesos sa mga guro dahil mayroong utang sa kanila ang Maynila.
Inaasahan ng City Government na makasisingil pa sila ng karagdagang 60 million pesos na buwis mula sa natitirang Non-Compliant contractors.