NAGDEKLARA na din ng State of Calamity sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ang resolusyon na nagsasailalim sa buong lungsod ng Maynila sa State of Calamity dahil sa sunod-sunod na pag-ulan at malawakang pagbaha na dulot ng Bagyong Crising, Bagyong Dante, at ng Habagat.
Samantala ayon kay Marikina City Mayor Maan Teodoro, idineklara din ang State of Calamity sa lungsod batay sa City Council Resolution no. 109.
Sinabi ng alkalde na layunin nito na mapabilis ang paghatid ng tulong at mapabilis ang mga kinakailangang hakbang upang matiyak ang kapakanan ng bawat pamilyang naapektuhan.