KUMASA si Philippine National Police Chief Gen. Nicolas Torre III sa hamon na suntukan ni Acting Davao City Mayor Baste Duterte.
Sa panayam sinabi ni Torre na maaari nilang gawing “boxing for a cause” ang suntukan nila ni Duterte para ang kikitain ay maipangtulong sa mga nasalanta ng pagbaha.
ALSO READ:
Cyberlibel ni Sen. Risa Hontiveros laban kay Atty. Ferdinand Topacio, ibinasura ng DOJ
Interpol humihingi pa ng dagdag impormasyon sa request na red notice kay Zaldy Co
Hirit ni Dating Senador Bong Revilla na mailipat siya sa Camp Crame sinopla ng korte
Cong. Edvic Yap nagbitiw bilang kongresista; Cavite Rep. Kiko Barzaga suspendido ulit ng 60-araw
Ayon kay Torre maaaring gawin ng boxing match sa araw ng Linggo, sa Araneta Coliseum.
Mas mainam din aniya na gawin itong 12-Round Match para pwedeng pasukan ng sponsors upang mas malaki ang malikom.
Sa kaniyang podcast na “basta Dabawenyo” sinabing nakababatang Duterte na kaya niyang talunin sa suntukan si Torre.
