8 July 2024
Calbayog City
Weather

Mataas na Heat Index, mararanasan pa rin sa bansa kahit nagsimula na ang tag-ulan

MARARANASAN pa rin sa bansa ang mataas na heat index sa kabila nang nagtapos na ang tag-init at opisyal nang nagsimula ang tag-ulan.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, sinabi ni PAGASA Deputy Administrator for Research and Development Dr. Marcelino Villafuerte II na may mga lugar ang magkakaroon pa rin ng mainit na panahon, kabilang ang Eastern Section ng Visayas, Mindanao, at maging sa ilang bahagi ng Metro Manila.

Ang pinakamatinding bugso ng mainit na panahon ay mararanasan bandang alas dos o alas tres ng hapon, na magdudulot naman ng pamumuo ng kaulapan at magreresulta ng mga pag-ulan dakong alas singko ng hapon hanggang alas sais ng gabi.

Bunsod nito, patuloy na pinapayuhan ang publiko na uminom pa rin ng maraming tubig.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *