PINAGTATANGGAL ng Task Force Road Clearing ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga nakaparadang sasakyan at iba pang mga nakasagabal sa kahabaan ng Mel Lopez Boulevard (Road 10) sa Tondo, Maynila.
Sinabi ni Gabriel Go, head ng MMDA SOG-TFRC, na ang kanilang hakbang ay hindi lang dahil nalalapit na ang Christmas Season kundi sa inaasahang pagdami pa ng mga sasakyan sa mga kalsada.
ALSO READ:
PWD Detainees, nakaranas umano ng Torture sa kamay ng mga tauhan ng Manila Police District
Manila district engineer, pinagpapaliwanag ng DPWH hinggil sa mga iregularidad sa Sunog Apog Pumping Station
Flood Control Facility sa Maynila, ininspeksyon ng ICI
Mga nanggulo sa rally sa Maynila, sasampahan ng patong-patong na kaso – Mayor Isko
Binigyang diin ni Go na dapat manatiling malinis mula sa anumang sagabal ang mga Major Thoroughfares, pati na ang Mabuhay Lanes.
Ipinaalala rin ng MMDA Official na ang mga Bangketa o Sidewalks ay dapat maayos na nalalakaran ng taumbayan para maging ligtas sila at hindi nakikipag-patintero sa mga naka-park na tricycles.