ASAHAN ng mga commuter at mga motorista ang mas mabigat na trapiko hanggang “BER” months bunsod ng nakatakdang pagkukumpuni sa ilang bahagi ng EDSA sa katapusan ng marso.
Sasailalim ang ilang bahagi ng pangunahing kalsada sa extensive road repair simula sa EDSA busway northbound lane mula sa Balintawak patungong Monumento.
ALSO READ:
DepEd NCR, nag suspinde ng Face-to-Face Classes ngayong Lunes hanggang bukas
Maynila, nakakolekta na ng 160 million pesos na buwis mula sa Flood Control Contractors
Navotas Floodgate, nabutas matapos mabangga ng barko
DOTr, binigyan ng Special Permits ang mahigit 200 na bus para magsakay ng mga pasahero sa NIA Road
Sinabi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan na papalitan ang EDSA busway ng bago at mas matibay na semento.
Samantala, labinlimang segments ang kukumpunihin sa southbound lane ng EDSA.
Pagkatapos ng repair sa EDSA busway, isusunod naman ang mga natitirang lanes hanggang sa outer lane.
Inihayag ng DPWH na palalawakin din nila ang drainage system ng EDSA.