28 April 2025
Calbayog City
National

Nawawalang FA-50 jet fighter, natagpuan sa Bukidnon, 2 piloto, patay!

NATAGPUAN  ang nawawalang FA-50 fighter jet sa Mt. Kalatungan, sa Bukidnon, gayundin ang bangkay ng dalawang piloto.

Ayon sa Philippine Air Force, martes ng madaling araw nang mawala ang fighter jet sa tactical night operation bilang suporta sa ground troops.

Sinabi ni PAF Public Affairs Office Chief, Col. Ma. Consuelo Castillo, na nawalan ng komunikasyon ang aircraft bago makarating sa target area.

Inihayag ni Castillo na pasado alas diyes ng umaga kahapon nang matagpuan ang nag-crash na jet fighter na may tail number 002.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).