SAKIT sa puso, neoplasms o tumor, at stroke ang nangunang tatlong dahilan ng kamatayan sa bansa simula Enero hanggang Agosto ng 2024.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nanguna sa listahan ang ischemic o coronary heart diseases na pumatay ng 67,856 o 19.7 percent ng total deaths sa buong bansa.
Pangalawa ang neoplasms o tumor na nakapagtala ng 33,910 deaths habang pangatlo ang stroke na naging dahilan ng kamatayan ng 30,552 na mga Pilipino.
Sumunod ang pneumonia, diabetes mellitus, hypertensive diseases, chronic lower respiratory diseases, respiratory tuberculosis, at iba pang klase ng sakit sa puso.
Inihayag ng PSA na ang latest ranking ay consistent sa top causes of death na naitala sa kaparehong panahon noong 2023.