MAGTITIPON-tipon bukas ang mga obispo, pari, mga deboto, seminarians, lay faithful ng Diocese of Calbayog, pati na mga estudyante, educators, at civil society groups, para gunitain ang 40th anniversary ng mapayapang EDSA People Power.
Isasagawa ang aktibidad na tinawag na “EDSA 40: March and Rally for Memory, Unity, and Democratic Renewal” bukas ng alas dose ng tanghali sa Calbayog City Major Thoroughfares para sa martsa at sa Christ the King College Gymnatorium para sa rally.
Layunin ng event na kilalanin ang legasiya ng mapayapang kilos-protesta; isulong ang democratic values; ipalaganap ang responsible citizenship sa mga kabataan; at palakasin ang intergenerational reflection.
Binigyang diin ng organizers na kinabibilangan ng Diocesan Commission on Social Action at ng Diocesan Commission on Youth of the Diocese of Calbayog, na ang pagtitipon ay peaceful, educational, at non-partisan in nature.
Inihayag ni Bishop Boy Abarquez, lead convenor ng event na ang EDSA ang magpapaalala sa atin na umuunlad ang demokrasya kapag ang mga mamamayan ay may alam, nagkakaisa, at malakas ang loob.




