DUMATING na sa Germany si Maris Racal para sa 75th Berlin International Film Festival para i-represent ang kanyang pelikulang “Sunshine.”
Ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram page ang kanyang litrato pagdating sa Berlin, at nilagyan niya ito ng caption na “This is Crazy” na may heart emoji.
ALSO READ:
Pamilya ni Odette Khan, umapela ng pinansyal na tulong para sa hospitalization ng veteran actress
Sexbomb Girls, dadalhin ang kanilang Reunion Show sa Tacloban
Legal team ni Rhian Ramos, handang kasuhan ang mga aatake sa aktres
Kathryn Bernardo, pinasalamatan ang fans sa pagrespeto sa kanyang personal decisions
Una nang inihayag ni Maris na pangarap niya na makadalo sa International Film Festival, gaya ng Berlinale, kaya naman napakasaya niya nang mapili sa kompetisyon ang kanyang pelikula.
Kabilang ang “Sunshine” sa competition under 14 plus category sa prestihiyosong Film Festival.
