KINAPOS ang meralco sa mga kamay ng new taipei kings sa double overtime, sa score na 106-96, dahilan para malaglag sila sa contention sa East Asia Super League (EASL), sa University of Taipei Gym.
Nagtamo ang bolts ng 9-0 closing run mula sa home team, at namaalam sa kanilang inaabot na final four spot, matapos bumagsak sa 2-4 ang kanilang record.
Samantala, umabante naman ang New Taipei sa semifinals sa pamamagitan ng kanilang 4-2 card.
Nangunguna sa group b ang Ryukyu Golden Kings na may 5-1 record na pasok din sa final four, maging ang Hiroshima Dragonflies at Taoyuan Pauian Pilots na top two squads sa group a.