7 November 2024
Calbayog City
Business

Manufacturing Growth ng bansa, bumagal noong Oktubre

LUMAGO ang Philippine Manufacturing sa ika-labing apat na sunod na buwan noong oktubre, ayon sa S&P Global.

Nadagdagan din ang hiring sa manufacturing firms, kung saan pumalo ang job creation sa 88-month high.

Naitala ang S&P Global Philippine Manufacturing Purchasing Managers’ Index (PMI) noong Oktubre sa 52.9, mas mabagal kumpara sa 27-month high na 53.7 noong Setyembre.

Ito ang ikalawa sa pinakamabilis na reading simula noong January 2023.

Ang Pilipinas ang nakapagtala ng pinakamataas na PMI Reading sa limang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) noong Oktubre, sumunod ang vietnam na may 51.2 at thailand na nakapagtala ng 50.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).