NANAWAGAN ang Malakanyang sa Overseas Filipino Voters na iboto ang mga kandidatong tapat sa Pilipinas at hindi ibebenta ang bansa sa anumang paraan.
Ginawa ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro, ang apela matapos buksan ang isang buwan na overseas voting para sa 2025 midterm elections, kahapon.
Hinimok ni Castro ang mga Pinoy sa abroad na gampanan ang kanilang tungkulin, pumili ng mga nararapat na kandidato, at bumoto ng mula sa puso.
Tatagal overseas voting hanggang ala syete ng gabi sa Mayo a-dose, kasabay ng pagtatapos ng voting period sa Pilipinas.
Una nang inihayag ni COMELEC Chairman George Garcia na mayroong 1.231 million Filipino voters sa iba’t ibang panig ng mundo.