Idineklara ng Malakanyang na holiday ngayong Lunes sa mga muslim bilang paggunita sa Isra Wal Mi’raj o the night journey and ascensions of the Prophet Muhammad.
Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na partikular na gugunitain ang holiday sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), pati na sa iba pang muslim areas sa lugar.
ALSO READ:
2026 Budget ng DPWH, puno pa rin ng Kickback – Cong. Leviste
Pangulong Marcos ininspeksyon ang Camalaniugan Bridge Project at pinasinayaan ang Water Impounding sa Cagayan
Public Access sa SALN, iniutos ni Ombudsman Remulla
Mayorya ng mga Pinoy, galit sa maanomalyang Flood Control Projects – OCTA Survey
Excuse naman sa trabaho ang mga muslim na pumapasok sa National Capital Region at non-muslim areas.
Sa Islam, ang Isra Wal Mi’raj ay ang gabi na umakyat ang propetang si Muhammad sa pitong baitang ng kalangitan at sinimulan ang milagrosong biyahe mula Mecca hanggang Al-aqsa Mosque sa Jerusalem.