18 March 2025
Calbayog City
National

Make Up Classes at Dynamic Learning Program, ipatutupad ng DepEd sa mga paaralang naapektuhan ng bagyo

MAGPAPATUPAD ang Department of Education (DepEd) ng make up classes at Dynamic Learning Program (DLP) sa mga eskwelahan na naapektuhan ng magkakasunod na bagyo at iba pang kalamidad.

Ayon sa DepEd, uumpisahan na ang pilot implementation ng DLP ngayong Nobyembre sa mga apektadong paaralan sa Regions I, II, III, IV-A, V, at CAR.

Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, layunin ng DLP na magpatupad ng independent, resource-efficient learning upang matugunan ang pagkaantala ng mga klase dahil sa kalamidad.

Sa ilalim ng DLP, ang mga naapektuhang paaralan ay maaaring magsagawa ng make-up classes at gawin ang learning activity sheets sa mga temporary learning spaces.

Sinabi ng DepEd na ang mga activity sheets ay simple lamang, targeted, at adaptable. Kasama sa programa ang pagkakaroon ng parallel classes, activity-based engagement, student portfolios, at reduced homework policy.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.