23 October 2025
Calbayog City
Local

Mahigit 30 residente sa Samar, na-ospital bunsod ng shellfish poisoning

TATLUMPU’T isang residente sa Barangay Parasan sa Daram, Samar ang nagkasakit makaraang kumain ng tahong na kontaminado ng red tide, ayon sa Department of Health.

Sa naturang bilang, dalawampu ang isinugod sa Samar Provincial Hospital sa Catbalogan City habang labing isa ang ginamot sa Rural Health Unit.

Batay sa ulat, kumain ng tahong ang mga biktima, kabilang ang walong bata, na hinango mula sa coastal waters ng Zumarraga, Samar, sa isa sa mga katubigang positibo sa red tide.

Ayon kay DOH Eastern Visayas Regional Information Officer, Jelyn Lopez-Malibago, nakaranas ang mga pasyente ng mga sintomas, gaya ng pananakit ng ulo, pamamanhid ng katawan, pagkahilo, pagsusuka, at pananakit ng tiyan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).