21 September 2024
Calbayog City
Province

Mahigit kalahati ng 1.4 million liters ng industrial fuel oil, nasipsip na mula sa lumubog na MT Terranova

MAHIGIT kalahati na ng 1.4 million liters ng industrial fuel oil ang nasipsip mula mula sa MT Terranova na lumubog sa Bataan noong nakaraang buwan, ayon sa Philippine Coast Guard.

Nakasaad sa statement ng PCG na batay sa ulat ng kinontratang salvor na Harbor Star, mahigit 896,000 liters na ang nakolektang oily waste, simula Aug. 19 hanggang 28.

Noong Miyerkules ay kabuuang 232,187 liters ang nasipsip mula sa motor tanker, dahilan para umakyat na sa 896,257 liters ang nakolektang langis.

Ininspeksyon din ng mga diver ng Harbor Star ang mga pump at hose para sa anumang senyales ng leakage, subalit wala silang na-obserbahang tagas sa isinagawang underwater survey.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).