15 March 2025
Calbayog City
National

Mahigit isang libong POGO workers, target mai-deport ng PAOCC sa susunod na dalawa hanggang tatlong linggo

POGO HUB

TARGET ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na mai-deport ang mahigit isang libong POGO workers na nasa kanilang kustodiya.

Sinabi ni PAOCC Executive Director, Undersecretary Gilbert Cruz, na ang naturang POGO workers ay kasalukuyang naka-ditine sa kanilang temporary detention facility sa Pasay City.

Idinagdag ni Cruz na ilang sa POGO workers ay dina-dialysis at ginagamot dahil sa HIV.

Aniya, sisikapin nila na ma-deport ang mga dayuhan sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo, dahil karamihan sa mga ito ay walang pasaporte.

Ipinaliwanag ng PAOCC chief na sa mga kaso ng deportees na walang passport, nakikipag-ugnayan sila sa mga embahada upang maisyuhan ang mga dayuhan ng one-time travel document.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).