6 July 2025
Calbayog City
Overseas

Mahigit 60 katao, patay sa pagbagsak ng bubungan ng isang nightclub sa Dominican Republic

HINDI bababa sa animnapu’t anim ang bilang ng mga nasawi sa pagbagsak ng bubungan ng isang nightclub sa Dominican Republic.

Ayon sa mga awtoridad, kabilang sa mga namatay ang isang sikat na singer, isang provincial governor, at dating major league baseball pitcher na si Octavio Dotel.

Nasa isandaan limampu’t limang iba pa ang nasugatan habang patuloy ang pag-alis ng mga emergency crews sa mga survivor mula sa pinagguhuan ng Jet Set Nightclub.

Nangyari ang trahedya sa gitna ng concert ng sikat na Dominican singer na si Rubby Perez, na kabilang sa mga nasawi.

Ang event ay dinaluhan ng mga politiko, atleta, at iba pang mga prominenteng personalidad.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).