NAMAHAGI ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 6,482 family food packs sa mga pamilya na lumikas sa Northern Samar bunsod ng malawakang pagbaha na dulot ng Bagyong Enteng.
Sinabi ni DSWD Eastern Visayas Regional Information Officer Jonalyndie Chua, na minamadali nila ang pagde-deliver sa mga local government units na lubos na naapektuhan ng masamang panahon.
ALSO READ:
Calbayog City, pinagtibay ang Commitment para mapangalagaan ang kalusugan ng mga residente
Anti-Insurgency Projects, nakumpleto na sa Sogod, Southern Leyte
Mahigit 20 dating miyembro ng NPA, nakumpleto ang Skills Training sa Northern Samar
Publiko, binalaan laban sa pekeng Tower at Satellite CONNECTION Deals
Ipinamahagi ang family food packs sa mga naapektuhang pamilya sa mga bayan ng Allen, Victoria, at Lavezares sa Northern Samar.
Umabot naman sa 4.67 Million Pesos ang nagastos ng kagawaran para sa food packs at non-food items. As of Sept. 3, mayroong relief items na nagkakahalaga ng 131.20 Million Pesos na available para sa mga biktima ng bagyo sa Eastern Visayas.
