UMAKYAT na sa labindalawa ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng Bagyong Enteng, ayon sa Office of Civil Defense.
Sinabi ni OCD Spokesperson Edgar Posadas na karamihan sa mga nasawi ay nalunod.
ALSO READ:
VP Sara Duterte, no comment sa impeachment complaint vs PBBM
Kontra salaysay ni Sen. Villanueva sa reklamong malversation hindi pa naisusumite sa DOJ
Dating Sen. Bong Revilla, hindi bibigyan ng special treatment sa selda
Bilang ng pamilyang Pinoy na nagsabing sila ay mahirap, bumaba noong 4th quarter ng 2025, ayon sa survey
Kabilang aniya sa mga biktima ay isang indibidwal na dumanas ng head trauma makaraang mabagsakan ng gumuhong pader.
Una nang napaulat ang pagkasawi ng isang buntis, lalaking nakuryente sa baha, at isang sanggol na nalunod habang binabayo ng Bagyong Enteng ang bansa.
Iniulat din ni posadas na nasa 62,959 families o 240,000 individuals ang naapektuhan ng kalamidad.
