KABUUANG 643 classrooms sa buong Eastern Visayas ang nagtamo ng iba’t ibang pinsala kasunod ng pananalasa ng Super Typhoon Uwan, ayon sa situational report mula sa Department of Education (DepEd).
Sa tala ng ahensya, 106 ang Totally Damaged Classrooms, 93 ang “Major Damaged Classrooms” habang 444 ang “Minor Damaged Classrooms.”
ALSO READ:
Official selection ng CSO representatives, idinaos sa Calbayog City
Mahigit 3,700 na kabahayan sa Eastern Visayas, napinsala ng magkasunod na Bagyong Tino at Uwan
Illegal quarry materials, nasabat sa Brgy. Anislag, Calbayog City, Samar
DSWD, tiniyak sa mga biktima ng Bagyong Uwan sa Eastern Visayas na mayroon pang supply ng food boxes
Kabilang sa mga division na pinaka-naapektuhan ang Samar na may 166 Damaged Classrooms; Borongan City, 140; at Maasin City (206), kung saan ongoing na ang Clearing at Clean-Up Operations.
Nakapagtala ang Calbayog City Division ng 72 Destroyed and Damaged Classrooms habang ang Catbalogan City Division ay mayroong tatlumpu habang pito naman sa Tacloban City Division.
