MAHIGIT limang deals ang inaasahang lalagdaan Filipino at Japanese Companies sa sidelines ng pagdalo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 50th Commemorative Asean-Japan Freindship and Cooperation Summit sa Tokyo.
Sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual na ang memoranda of agreements and understandings ay nakatakdang pirmahan ngayong Lunes, Dec. 18.
Gayunman, tumanggi muna si pascual na magbigay ng iba pang detalye sa kung anong mga sektor ang saklaw ng deals upang hindi umano maudlot ang diskusyon sa pagitan ng Filipino at Japanese Companies.