20 August 2025
Calbayog City
Business

Mahigit 329 billion pesos na halaga ng Investment Pledges, inaprubahan sa unang 5 buwan ng 2025

INAPRUBAHAN ng Board of Investments (BOI) ang 329.52 billion pesos na halaga ng Investment Pledges, simula Enero hanggang Mayo ng 2025.

Dahil dito, inaasahang makapagpo-proseso ito ng 1.12 trillion pesos na halaga ng mga proyekto sa susunod na dalawang quarter.

Apat na projects ang inaprubahan ng Investment Promotion Agency sa unang limang buwan ng taon, kung saan 61.52 billion pesos ng kanilang total value ay mula sa Foreign Investors at 268 billion pesos ay mula sa Domestic Investors.

Gayunman, ang inaprubahang Investment Pledges sa naturang panahon ay mas mababa ng 48.53% kumpara sa 640.22 billion pesos na halaga ng mga pinayagang proyekto noong nakaraang taon.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).