DALAWAMPU’T isa ang Dead on Arrival sa Red Cross Field Hospital sa Southern Gaza, kasunod ng insidente ng pamamaril malapit sa Aid Distribution Center sa Rafah.
Ayon sa International Committee of the Red CRoss (ICRC), umabot naman sa isandaan pitumpu’t siyam na kinabibilangan ng mga babae at mga bata, ang nasugatan.
ALSO READ:
Pinatalsik na prime minister ng Bangladesh, sinentensyahan ng kamatayan bunsod ng pagsawata sa mga estudyante
11 patay, 12 nawawala kasunod ng landslide sa Central Java sa Indonesia
Mga Pinoy sa Northern Japan pinag-iingat sa wild bear attacks
Colombian Military, binomba ang hinihinalang kampo ng mga rebelde; 19, patay!
Isinisi ang malagim na insidente sa “Israeli Gunfire” na ang target ay mga sibilyan.
Kinontra naman ito ng Israel Defense Forces (IDF) sa pagsasabing hindi nagpapaputok ang kanilang mga tauhan sa mga tao na malapit o nasa loob ng Aid Center.
