MAHIGIT 300 estudyante ng dinala sa ospital sa bayan ng Sibalom sa Antique matapos makalanghap ng masangsang na amoy.
Ang mga biktima ay pawang estudyante ng Pis-anan National High School.
12 kabataan, nahuli dahil sa iligal na karera ng mga motorsiklo sa Bulacan
Halos 10,000 na pulis, ipinakalat sa BARMM bilang paghahanda sa Parliamentary Elections
Bus ng Solid North suspendido ng 1 buwan matapos masangkot sa aksidente sa Nueva Ecija
Mahigit 2,400 na magsasaka sa Pampanga tumanggap ng tulong-pinansyal sa ilalim ng AKAP
Ayon sa Antique Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, nakaranas ng pananakit ng dibdib at hirap sa paghinga ang mga bata umaga ng Miyerkules, July 2 at ang iba ay nawalan ng malay.
Sa insiyal na imbestigasyon, galing ang masangsang na amoy mula sa insecticide spray na ginamit sa bisinidad ng paaralan.
Ayon sa PDRRMO, sa 323 na pasyente na dinala sa ospital, isa lamang ang na-admit habang ang iba ay nakauwi na.