KABUUANG 3,626,500 na mga indibidwal sa mahigit tatlunlibong mga barangay ang naapektuhan ng pinagsama-samang epekto ng habagat, pati na ng mga bagyong Carina at Butchoy, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Sa pinakahuling situational report ng NDRRMC, karamihan sa mga residenteng naapektuhan ay mula sa Central Luzon na nasa 2,132,938; sumunod ang BARMM, 552,971; SOCCSKSARGEN, 260,767; at Ilocos Region, 242,648.
Goitia: Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas
DILG chief, inatasan ang mga pulis na magsuot ng body camera sa paghahanap kay Atong Ang
Zaldy Co, nagtatago sa gated community sa Portugal, ayon sa DILG
Subpoena laban kina Sen. Jinggoy Estrada at Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, nakaumang na, ayon sa DOJ
Mayroong 168,933 individuals o 42,673 families ang nananatili sa 1,025 evacuation centers habang 900,421 individuals o 217,389 families ang pansamantalang nanunuluyan sa mga kamag-anak o kaibigan.
Sa casualties, sinabi ng NDRRMC na dalawampu’t walo katao ang napaulat na nasawi, na kinabibilangan ng sampung na-validate at labing walo na isinasailalim pa sa beripikasyon.
Gayunman, ayon sa PNP, as of friday, July 26, umabot na sa tatlumpu’t apat ang bilang ng mga nasawi.
Inihayag din ng NDRRMC na nakapagtala ang Department of Agriculture ng mahigit 212 million pesos na halaga ng pinsala sa agrikultura na nakaapekto sa 12,456 farmers and fishermen.
Umabot naman sa 171,662,374 pesos ang halaga ng pinsala sa imprastraktura.
