Mahigit dalawampung libong examinees ang kailangang mag-retake ng qualifying test sa West Visayas State University (WVSU) makaraang kumpirmahin ng mga opisyal na nag-leak ang admission test questions sa ilang estudyante.
Kabuuang 20,925 applicants ang kumuha ng admission test noong March 10.
Sa advisory, inanunsyo ng pamunuan ng WVSU na napagkasunduan na i-invalidate ang nakaraang pagsusulit matapos lumabas sa preliminary findings ng investigating committee na ni-leak ang examination items ng mga hindi pa nakikilalang indibidwal.
Binigyang diin ng paaralan na mayroong dahilan para sabihing nakompromiso ang integridad ng pagsusulit kaya kailangan itong ulitin.