HANDA na ang dalawanlibo dalawandaan at limampung pulis mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa gaganaping Black Friday Protests sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila sa Sept 12.
Ayon kay NCRPO Spokesperson Maj. Hazel Asilo, nakatanggap sila ng impormasyon na maaaring isasagawa ang mga kilos protesta sa Maynila, EDSA, Senado at sa House of Representatives, kung saan popostehan ito ng nasa 1,250 na pulis.
Maynila, nakasingil na ng 12 million pesos na hindi nabayarang buwis ng mga kontratista mula sa Flood Control Projects – Mayor Isko Moreno
Palit Plaka Program pinalawig ng LTO-NCR
Viral overlapping street signs sa Maynila pinabaklas na
MMDA, UP Resilience Institute magtutulungan sa epektibong flood management
Sa ngayon, wala pa aniya silang natatanggap na anumang permits mula sa mga grupong magsasagawa ng kilos protesta sa Biyernes na nagpapahintulot na maari silang magsagawa ng programa.
Idinagdag ni Asilo na ipatutupad nila ang maximum tolerance sa mga nagpoprotesta at pananatilihin ang kapayapaan at kaayusan ng mga programa.