SINIMULAN na ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang pagsilip sa Financial Transactions ng mga contractor na iniuugnay sa maanomalyang Flood Control Projects.
Inihayag ni AMLC Executive Director Matthew David na bilang bahagi ng kanilang mandato ay iniimbestigahan nila ang Financial Transactions ng mga sangkot sa iregularidad, katuwang ang iba pang government at Law Enforcement Agencies.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Sinabi ni David na mahigpit silang nakikipag-ugnayan sa Office of the Ombudsman, Bureau of Internal Revenue, at National Bureau of Investigation, upang matiyak ang komprehensibong Financial Investigation.
Inihayag din ng AMLC chief na maaring i-freeze ang assests ng mga kontratista na sangkot sa maanomalyang Flood Control Projects, alinsunod sa Anti-Money Laundering Act (AMLA).
Aniya, ang Freeze Order ay maaring manggaling sa Court of Appeals, matapos magsumite ng aplikasyon ang AMLC, at kapag nakita ng Korte na mayroong probable cause para paniwalaan na ang pera o ari-arian ay may kaugnayan sa iligal na aktibidad.
Idinagdag ni David na kabilang ang Corruption, Tax Evasion, at Smuggling sa Predicate Offenses, sa ilalim ng AMLA.
