Mahigit 20 abandonadong sasakyan ang natuklasan sa iba’t ibang parking facilities sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa bagong operator ng NAIA na New NAIA Infra Corp. (NNIC), ang iba sa mga sasakyan ay taong 2014 pa nakaparada at hindi na binalikan pa ng may-ari.
Gumagawa na ngayon ng hakbang ang NNIC para maialis sa pasilidad ang mga abandonadong sasakyan.
Ayon sa NNIC, iwe-waive na ang mga bayarin kung magpapasya ang mga may-ari na kunin ang kanilang saskayan.
Kailangan lamang magpakita ng proof of ownership at valid ID.
Kung matatapos ang grace period at tuluyang hindi makukuha, ipapahatak na ang mga ito at ipapa-impound.