Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Dante Francis Ang II bilang chairperson ng Commission on Filipinos Overseas (CFO).
Ito ang inanunsyo ni Presidential Communications Office Secretary Cesar Chavez.
PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta
Sen. Bato Dela Rosa, naispatan sa 6 na magkakaibang lokasyon sa nakalipas na 3 Linggo
Sandiganbayan, ibinasura ang hirit na i-consolidate ang flood control cases laban kay Zaldy Co at sa 16 na iba pa
Bicam para sa 2026 National budget, iniurong sa bukas
Papalitan ni Ang si CFO chairperson Romulo Arugay.
Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang appointment paper ni Ang noong Oktubre 16.
Bago naitalaga sa puwesto, nagsilbi si Ang bilang National Book Development Board at board member ng Clark International Airport Corp.
Nagsilbi rin si Ang bilang chairperson at chief executive officer ng pahayagang The Manila Times at naging Most Outstanding Publication Chief Executive Officer of the Year ngayong 2024.
Nasa ilalim ng Office of the President ang tanggapan ng CFO na naatasang pangasiwaan ang interes, karapatan at kapakanan ng mga overseas Filipinos.
