21 December 2025
Calbayog City
Local

Mahigit 20 dating rebelde sa Eastern Samar, tutulong sa militar para kumbinsihing sumuko ang mga natitira nilang mga kasamahan

INAASAHAN ng Philippine Army ang tulong ng dalawampu’t dalawang dating rebelde na sumuko kamakailan upang kumbinsihin ang mga natitirang miyembro ng New People’s Army (NPA) na nag-o-operate sa Samar at Eastern Samar na magbalik-loob na sa pamahalaan.

Sa pulong, kahapon, sa Barangay Locso-on sa Borongan City, sa Eastern Samar, sinabi ni Brig. Gen. Noel Vestuir na magsisilbi ang mga dating miyembro ng Sub-Regional Committee Apoy Platoon ng NPA para kumbinsihing sumama sa kanila ang labing anim pang natitirang mga rebelde.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *