UMABOT na sa mahigit 2.2 million families o mahigit 8.63 million individuals ang naapektuhan ng mga bagyong Kristine at Leon, batay sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Sa situational report, nakasaad na 12,053 Barangays ang naapektuhang populasyon.
Kabuuang 227,133 individuals o 56,396 families naman ang pansamantalang nanunuluyan sa 1,467 evacuation centers habang 521,858 persons o 108,941 families ang nakikitira muna sa mga kamag-anak o kaibigan.
Samantala, nananatili sa 146 ang death toll, kabilang 126 ang bini-beripika pa.
130 naman ang nasugatan, kabilang ang 120 na bina-validate pa habang dalawampu ang nananatiling nawawala, hanggang kahapon.