MAHIGIT 19 million pesos na halaga ng hinihinalang smuggled vape products ang kinumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa mga warehouse sa Maynila at Laguna.
Nasamsam sa operasyon ang 6.475 million pesos na halaga ng vape devices, vape pods, at disposable vapes na may tatak na REL-X at Top Fog sa Quiapo, Maynila, kasama ang 75 million pesos na smuggled na motorcycle parts at accessories.
200K Units ng popular na Herbal Inhaler sa Thailand, pinare-recall sa merkado dahil sa Microbial Contamination
Kampo ni FPRRD, naghain ng apela sa Jurisdiction Ruling ng ICC
NAIA, may paalala sa mga biyahero ngayong Undas
ICI, inirekomendang kasuhan sina Senators Villanueva at Estrada, Dating Cong. Zaldy Co, at iba pang mga personalidad
Kinumpiska naman ng composite team ang nasa 12.6 million pesos na halaga ng smuggled disposable vapes na may tatak na Flava, King’s Evo, Grio, at Milan, sa warehouse sa San Pedro City, sa Laguna.
Posibleng maharap ang mga may-ari ng warehouse at shop ng paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Kapwa naka-padlock na rin ang dalawang lokasyon.
