SUMADSAD ang isang barge sa Pasig River bunsod ng low tide, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Naglalayag ang pribadong barge sa mababaw na bahagi ng ilog sa Napindan at nahaharangan din ng water hyacinths nang mangyari ang insidente.
Dahil dito ay nasuspinde ang operasyon ng Pasig River Ferry Service at hinintay munang mag-high tide bago tinangkang hatakin ang barge paalis ng lugar.