ILANG miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang naghain ng reklamo matapos umano’y magtamo ng injuries bunsod ng police operation sa Davao City para maisilbi ang warrant of arrest laban sa kanilang leader na si Pastor Apollo Quiboloy.
Isa-isa umanong nagtungo ang mga nasugatang KOJC members sa police station sa Davao City Police Office para magsampa ng reklamo.
ALSO READ:
Cebu City isinailalim sa State of Calamity dahil sa gumuhong landfill; death toll, umakyat na sa 13
Sarah Discaya, naghain ng Not Guilty Plea sa Korte sa Cebu
Pangulong Marcos, nais magkaroon ng Extradition Treaty sa Portugal para maaresto si Zaldy Co
Historic Free Trade Deal, nilagdaan ng Pilipinas at UAE
Labing anim na miyembro, kabilang ang apat na menor de edad ang sinaktan umano ng mga awtoridad, kahapon, nang isilbi ang arrest warrant laban kay Quiboloy at mga co-accused nito sa KOJC Compound sa Barangay Buhangin.
Samantala, tiniyak naman ni PNP Regional Office 11 (PRO 11) Regional Director, Police Brig. Gen. Nicolas Torre III na nirerespeto at haharapin nila ang reklamo.
