Mahigit 101,000 metric tons ng imported rice ang dumating sa bansa, as of July 25, ayon sa Department of Agriculture.
Ang naturang volume ay dumating kasunod ng implementasyon ng Executive Order no. 62 na nagtapyas ng rice tariff sa 15% mula sa 35% noong July 5, at inaasahang magpapababa sa presyo ng bigas ng anim hanggang pitumpiso kada kilo.
Sinabi ni DA Assistant Secretary Arnel de Mesa, na simula Enero hanggang ikatlong linggo ng Hulyo, ay umabot na sa 2.4 million metric tons ang inangkat na bigas, na mas marami kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Idinagdag ni de Mesa na ang pagpasok ng naturang volume ng imported rice ay magpapatatag sa supply ng bansa, pati na ng local palay production sa dry harvest season.