Pumanaw na ang movie producer at showbiz icon na si Lily Monteverde sa edad na 84.
Binawian ng buhay si Mother Lily sa Medical City sa Pasig City, kahapon ng madaling araw.
Magdiriwang sana ng kanyang 85th birthday ang matriyarka ng Regal Films sa Aug. 19.
Pumanaw si Mother Lily, anim na araw matapos mamayapa ang kanyang kabiyak na si Leonardo “Father Remy” Monteverde noong July 29.
Inihatid si Father Remy sa kanyang huling hatungan sa Heritage Park sa Taguig City nito lamang Sabado ng tanghali.