ISANDAAN tatlumpu’t dalawang paaralan sa Eastern Visayas ang nagpapatupad ng Expanded Tara, Basa! Tutoring Program, upang tulungan ang mga batang hirap bumasa, gayundin ang college students kapalit ng kanilang tutorial services.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), mula sa kabuuang bilang, 84 na eskwelahan ay matatagpuan sa Samar, 32 sa Tacloban City, at 16 sa Ormoc City.
ALSO READ:
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Pinakikinabangan ang naturang programa ng 1,512 college students; 5,040 learners; at 5,040 na mga magulang.
Bilang counterpart, pinayagan ng Department of Education (DepEd) na ipagamit ang kanilang classrooms at iba pang pasilidad simula may 20 para sa 20-day Session hanggang sa June 14, bago ang pagbubukas ng School Year 2025-2026.
