NAGBUHOS ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 1.33 billion pesos na halaga ng social pension sa mahihirap na senior citizens sa Eastern Visayas sa unang anim na buwan ng 2024.
Umabot sa 223,187 na mahihirap na matatanda ang nakinabang mula sa anim na lalawigan sa rehiyon, ayon kay DSWD-Eastern Visayas Regional Information Officer Jonalyndie Chua.
ALSO READ:
16 na pulis, inalis sa pwesto bunsod ng umano’y pag-iinuman sa loob ng istasyon sa Eastern Samar
DPWH, pinayagan ang pagtawid ng 30-ton trucks sa San Juanico Bridge tuwing gabi
Pre-Christmas Trade Fair sa Leyte, kumita ng 6.2 million pesos
Mahigit 600 senior citizens, nakinabang sa Oquendo Social Pension Payout
Sa kabuuang bilang ng recipients, 15,530 ay mula sa Biliran; 101,203 mula sa Leyte; 29,950 sa Southern Leyte; 35,998 mula sa Samar; 20,560 sa Eastern Samar; at 19,946 mula sa Northern Samar.
Ang 1.33 billion pesos ay 76.56 percent lamang ng 1.77 billion pesos na inilaan para sa unang anim na buwan ng taon.
