21 May 2025
Calbayog City
Entertainment

Bini Aiah, nanawagan ng respeto para sa “personal time” kasunod ng insidente sa isang fan sa Cebu

HINIMOK ni Aiah Arceta ng P-Pop Girl Group na Bini ang publiko na irespeto ang “personal time and humanity” ng celebrities kasunod ng kanyang hindi magandang  naranasan at ng kanyang bandmates sa isang lalaki na nagtangkang halikan siya sa isang Lounge Bar sa Cebu City.

Sa kanyang Instagram stories, bakas ang pagkabahala ni Aiah makaraang isang AJ Fernan ang nagtangkang ilapit ang mukha nito sa Bini singer sa isang bar kung saan ito nag-a-unwind, kasama ang iba pa pagkatapos ng kanilang “Biniverse” concert.

Mabilis na kumalat ang video ng insidente sa social media, kung saan kitang-kita ang pagkagulat at agad pagkilos ni Aiah palayo sa lalaki.

Sinabi ng Bini member na umuwi siya sa kanyang hometown sa Cebu para magtanggal ng stress at mag-enjoy kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan, subalit nadismaya siya dahil mayroong ilang tao na hindi makaintindi na kailangan niya ng privacy at personal time. 

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).