UMABOT na sa mahigit P1.2 Billion ang halaga ng mga barya na nakulekta ng Bangko Sentral ng Pilipinas mula sa Coin Deposit Machines (CoDMs).
Ayon sa BSP, ang nasabing halaga ay mula sa mahigit 284,900 na transaksyon.
ALSO READ:
Goitia nilinaw ang isyu sa umano’y ₱1.7 Trilyong “Market Wipeout”
2 pang barko ng BFAR, winater cannon ng China Coast Guard malapit sa Pag-asa Island – PCG
DOJ, hindi pa rin kuntento sa impormasyon mula sa mga Discaya kaugnay ng Flood Control Scandal
Kaso ng Influenza-Like Illnesses, mas mababa ngayong taon – DOH
Sa ngayon mayroong 25 CoDMs sa Greater Manila Area.
Hinikayat ng BSP ang publiko na ang kanilang mga ipong barya ay ihulog sa CoDM para mai-convert bilang e-wallet credits o kaya ay bilang shopping voucher.
Ang mga baryang ihuhulog sa CoDMs ay pwedeng i-convert sa GCash, Maya, GoTyme o kaya ay bilang shopping voucher na maaaring gamitin para maipambili sa mga SM Stores nationwide. (DDC)