MAGBIBIGAY ang Maharlika Investment Corp. (MIC) ng 76.4 million dollars o 4.425 billion pesos na loan sa isang Gold and Copper Mining Project sa Kalinga.
Inihayag ng MIC na lumagda ito sa binding term sheet para sa loan ng Makilala Mining Company, Inc. Upang simulan ang early development works para sa Maalinao-Caigutan-Biyog Copper-Gold Project sa Cordillera.
ALSO READ:
Halaga ng piso muling bumagsak sa bagong record-low
Total External Trade in Goods ng Pilipinas, tumaas ng mahigit 10%
Economic team, magsasagawa ng special meeting kaugnay ng suspensyon sa fuel excise tax sa susunod na linggo
Pangulong Marcos, kumpiyansang maaabot ang 6% GDP growth sa 2028 sa kabila ng epekto ng giyera sa Middle East
Popondohan ng loan ang feasibility study, road construction, at training ng mga miyembro ng Balatoc Indigenous Cultural Community.
Idinagdag ng Sovereign Wealth Fund ng bansa, na sa pamamagitan ng loan ay mabibigyan ang Makilala Mining ng financial capability requirements sa ilalim ng kanilang mineral production sharing agreement, kasama ang pamahalaan.
