ISANG rifle grenade ang nahukay ng isang kwarenta’y syete anyos na magsasaka habang nagtatanim ng puno ng niyog sa Quinapondan, Eastern Samar.
Nangyari ang insidente sa Barangay Poblacion 2 ng naturang lalawigan, ala sais y medya ng umaga noong linggo.
ALSO READ:
Kahalagahan ng Laoang Islets sa ancient trade, binigyang-diin ng National Museum
Pagtatayo ng modernong public market sa Tacloban City, inaasahang sisimulan ngayong taon
Mga tsuper at commuter sa Leyte, nagpakita ng katatagan sa kabila ng tumataas na presyo ng langis
Resolusyon para mabawasan ang singil sa kuryente sa Off-Grid areas, inihain ng kinatawan ng Northern Samar
Agad namang isinuko ng magsasaka na kinilala lamang sa alyas Jo ang rifle grenade sa mga otoridad.
Ayon sa Quinapondan Municipal Police Station, itu-turnover nila ang naturang eksplosibo sa Regional Explosive Ordinance Disposal and Canine Unit-Eastern Visayas para sa proper disposition.
