13 February 2025
Calbayog City
Local

‘Mabulig Calbayog’, ilulunsad bukas

mabulig calbayog

Pangungunahan ni Mayor Raymund “Monmon” Uy ang  paglulunsad ng “Mabulig Calbayog” bukas, Oct. 1, sa pagsisimula ng dalawang linggong pagdiriwang ng Calbayog Charter Day Anniversary.

Hango sa salitang waray na “bulig” na ang ibig sabihin ay “tulong,” ang Mabulig Calbayog ay adbokasiya kung saan makikita ang diwa ng bayanihan ng mga Pilipino.

Isa itong panawagan na salig sa hangarin ni Mayor Mon na makiisa ang komunidad, kasabay ng pagbibigay diin na ang pamumuno ay magkakatuwang na responsibilidad.

Magsisimula ang pagdiriwang bukas sa pamamagitan ng motorcade, na susundan ng pagbubukas ng programa sa Calbayog Sports Center, kung saan gaganapin ang Serbisyo Caravan na may layuning ilapit pa ang mga programa ng lokal na pamahalaan sa taumbayan.

Ilulunsad din ang Mabulig campaign sa Oquendo District sa Miyerkules habang sa Huwebes naman sa Tinambacan District, na kapwa magkakaroon ng Serbisyo Caravan.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).